Mula Opisina Hanggang sa Bahay

Sa kauna-unahang pagkakataon, naranasan kong maglakad mula office namin hanggang sa condo unit na tinitirhan ko. Siguro yung ibang makakabasa nito, magtataas ng kilay. E ano ngayon ang big deal doon? Ang masasagot ko, it’s quite a big deal for me kasi for the past six months, sundo’t-hatid ako ng aming office driver gamit ang sasakyan ng aming opisina. Ehem, ipagpaumanhin ninyo kung medyo may halong pagyayabang ang aking previous statement. Unintentional yun. I was just stating a matter of fact. Bahagi yun ng perks ng aking trabaho.

Sabi ni Mr. Ho, yung driver namin, 3.3 kilometers daw ang distansya ng tinitirhan kong bahay at ng aming opisina. So bakit ako naglakad? Kasi ang sasakyan namin, ginamit ng aming trainees para sa field trip nila papuntang Chayi. Ang instruction sa akin ng aming admin officer, mag-taxi na lang daw ako. Madalas ko na itong ginagawa. Sanay na akong mag-taxi kahit minsan ay effort pa rin makipag-usap sa mga drayber dahil hindi nga ako marunong mag-instik. So sabi ko, for a change, susubukan kong lakarin mula office namin hanggang sa aking condo unit sa section 3 ng Heping East Road.

Madali lang baybayin ang daan papunta sa bahay na tinitirhan ko. Isang diretsong daan lang sya traversing sections 2 and 3 ng Heping East Road. Walang mga pasikot-sikot at paliko-liko. Tamang tama, sabi ko sa sarili. Lumalamig na ang panahon kaya masarap maglakad. Bukod doon, great form of exercise pa ito. So sinimulan ko ang aking journey mula sa di kalayuang Daan park dire-diretso hanggang sa maabot ko ang Technology Building station ng MRT. Ninamnam ko ang mga tanawin. Kapag naka-stop ang traffic light sa pedestrian lane, ginagala ko ang mga mata ko sa daan-daang Taiwanese pedestrians na gaya ko ay papunta sa kanilang mga destinasyon. At dito nga pumasok ang tatlong bagay na matagal ko nang napansin tungkol sa mga Taiwanese.

Unang una, sa pakiramdam ko ay  90% sa kanila ang nagsusuot ng eyeglasses. Matagal ko na itong pinagmumuni-munian kung bakit ganun. Sa katunayan, na discuss ko na ito sa isang Taiwanese scientist na nakatabi ko sa eroplano mula Bangkok hanggang Taipei. How come most of you are wearing eyeglasses? Yan ang tanong ko. I’m close to having a theory that your poor eyesight has something to do with your genes. Natawa yung scientist. “You’re very observant,” sagot niya. Pero hindi rin niya diretsong ma-explain kung bakit. So ako na rin ang nag-expound sa aking theory. It could either be something genetic or it has something to do with their writing and reading their very complicated Chinese characters.

Na totoo naman. Subukan nyong tingnan ang kanilang mga characters ng ilang segundo and chances are, sasakit ang inyong mga mata. In fact, ang Chinese characters sa Taiwan ay mas complex pa sa simplified characters ng Mainland China. Na-retain nila yung purity and complexity ng kanilang characters. So palagay ko, may kinalaman doon kung bakit tila tumatabo ang kanilang eyeglasses industry at talagang yumayaman ang mga Taiwanese optometrists.

Pangalawang obserbasyon–at ito ay sasabihin ko ng may halong inggit at inis. Ang papayat nila. Sa Maynila, subukan mong maglakad sa kalsada and chances are, one out of 15 na makakasalubong mo ay overweight. Dito, bihirang bihira akong makasaluboong ng taong mataba. Babae man o lalaki. Bata man o matanda. At ang theory ko naman dito, it’s largely attributable to their diet. Wala yata akong kilalang Taiwanese na hindi mahilig kumain ng gulay. Marami sa kanila, malalakas kumain pero puro gulay lang. Bihira ang mahilig kumain ng karne at matatamis. Nasabi ko na rin ito sa isang officemate kong Taiwanese at ang sagot nya sa akin, marami na rin sa mga kabataan ngayon ang nagiging overweight dahil sa pagsulpot ng maraming fast foods na saksakan ng dami ng calories, fat at cholesterol.

Pangatlong obserbasyon. Hindi malala ang traffic problem sa Taipei. Sa anim na buwan kong pagbibiyahe sa lungsod, never pa akong nainip at nabuwisit sa traffic. In fact, ang pinakamatagal ko na yatang pag-aantay sa pagpapalit ng traffic light from red to green ay limang minuto. Bagay na hindi ko naranasan nung huli akong nagpunta sa Bangkok kung saan inabot ako ng dalawang oras mula sa hotel namin hanggang sa airport (sabi ng taxi driver, 15 minutes lang daw ang biyahe kapag walang traffic). Ang theory ko naman dito, bukod sa magaling ang urban zoning ng Taipei, ang laki rin ang naitulong ng kanilang MRT at subway system. The most efficient in Asia, nabasa ko kamakailan sa Time o Newsweek magazine.

Isang oras at kalahati akong naglakad sa Heping East Road bago ako nakarating sa bahay na tinitirhan ko. Dumaan muna ako sa Ikari coffeeshop kung saan kumain ako ng roasted chicken at uminom ng fresh fruit juice. Ang sarap maglakad. Pakiramdam ko ay luminaw ang aking isip at na-inspire akong magsulat. Kaya heto ako. Dinodokumento ang una kong trip from the office to my house–on foot!

Ayos.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s