September 21

September 21, 1998 ang petsa nang una akong tumapak sa bansang Taiwan. Tatlumpu’t apat na taong gulang ako noon at unang beses kong makalabas ng Pilipinas. Magkakahalong excitement, tuwa, lungkot at takot ang aking nadama. Nung una kong gabi sa dormitoryo kung saan ako tumira, nagsimula akong magsulat sa aking diary. “Today is September 21 and it is was the day when former President Marcos declared Martial law in the Philippines,” Iyon ang aking unang linya.  “It is also the same day when I first stepped in Taiwan soil. I feel both free and incarcerated. Have I also declared martial law to myself?” Yun…more or less, ganyan ang takbo ng aking diary entry. Simula noon, nagsulat ako sa aking diary araw-araw for the next six months. Walang paltos. Nang minsang binasa ko ulit ang aking mga entries, nangingiwi ako. Halos lahat ng aking mga sinulat ay puro tungkol sa kalungkutan, pag-iisa, pagtangis. Para talaga akong hindi nag-enjoy.

Flash forward to September 21, 2011. Anim na buwan at anim na araw na ako rito sa Taipei. Naaalala ko, naabutan ko pa ang huling bahagi ng taglamig nang dumating ako rito. Tag-init na ngayon, at kaninang umaga, napansin kong lumalamig na ang hangin. Nagsisimula nang manlagas ang mga dahon sa mga puno. Simula na ng autumn season. Maaga akong nagising. Dumiretso agad ako sa gym na nasa lobby ng condo unit na tinitirhan ko. Tumakbo ako sa treadmill ng mahigit na kalahating oras. Pawisang-pawisan ako nang matapos. Naligo ako, nagbihis, kumain ng almusal at naghintay sa drayber ng opisina namin para sunduin ako. On the way papuntang office, nagsimula na namang magturo ng salitang instik ang aming office driver. “Ni ti tien yao chi kong shi?” ang pabirong tanong nya sa akin. Translation: Anong oras ka pumapasok sa office? Tiningnan ko ang aking kodigo bago ako sumagot. “O pa tien yao chi kong shi.” Translation: Eight o clock I go to the office. Nagtawanan at nagbiruan kami habang nakatigil ang aming sasakyan sa gitna ng trapik sa lungsod ng Taipei.

Hangggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa naging kapalaran ko. Six months ago, nakikipagsiksikan ako sa jeep sa Pasay rotonda pauwi sa Bicutan. Malimit umuuwi akong lasing. Lagi akong nadudukutan ng cellphone o kaya ay wallet. “Ano ba? Sabi ng isang ka-opisina ko. “Pang anim na cellphone na yata yan! Sobrang kamalasan na yan. At sobra ring katangahan! Kelan kaya magbabago ang kapalaran mo?”

Marami ang nagsasabing ang kapalaran ay ginagawa ng tao. Naniniwala ako roon. Pero naniniwala rin ako sa swerte. Hindi ko plinano na sa ika-13 taon simula nung September 21 1998, ay magbabalik ulit ako sa Taiwan upang magtrabaho. Pero di gaya noon na ang mga salaysay ko ay puro malulungkot, ang mga kuwento ko ngayon ay puro may halong ngiti at halakhak. Minsan, lumulundag pa nga sa sobrang tuwa.

Iba talaga ang nagagawa ng panahon.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life, Uncategorized and tagged . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s