Eksena ng mga Pinoy sa ibang Bansa

Kagabi, nag-entertain ako sa apat na Pinoy sa condo unit na tinitirhan ko. Actually, bisita sila ng office namin. Uma-attend sila ng isang technical training course sa health management ng citrus plants. Tatlo sa kanila ay kinatawan ng Bureau of Plant Industry, isang attached agency ng Department of Agriculture. Yung dalawang babae ay galing sa Baguio city at yung isa naman ay galing pang Davao. Yung nag-iisang representative ng private sector ay kababayan ni Manny Pacquiao at Shamcey Supsop–tiga Gensan.

Nagluto ako ng seafood pasta, isa sa aking pinagmamalaking obra maestra na nagustuhan naman ng aking apat na bisita. Sa saliw nang awitin nina Martin Nievera at Jay-R na pinatugtog ko sa CD player, at sa gitna ng mga lagok ng malamig na Heineken beer, nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay ng mga Pinoy sa ibang bansa. Nai-share ko sa kanila ang aking unang pasko sa Taiwan noong 1998. Mag-isa lang ako sa dorm na namamalantsa at bago ko namalayan, pumapatak na pala ang aking luha sa pinaplantsa kong damit. Tumawag ako sa isang kaibigan sa Pinas para ma-express ang aking kalungkutan. “Ano ba?” sabi ng kaibigan ko. “You know what you’re up against. Aliwin mo na lang ang sarili mo. Kung ako sa `yo, kunin mo ang mga naipon mong dollars. Ilatag mo sa kama at higaan mo. Am sure, hindi ka na malulungkot.”

Lintek ka, nagawa ko na `yon. Waepek, ang pabiro kong sagot. “Pwes, deal with it and don’t whine.” Sagot ng kaibigan kong di yata marunong mag-empathize.

Natawa yung apat na bisita kong Pinoy sa aking kuwento at nauwi ang diskusyon namin sa mga nakakatawang eksena tungkol sa mga bagong saltang Pinoy sa ibang bansa. “Sa isang hotel sa China,” simulang kuwento ni Juliet, “walang pihitan ang mga shower stalls. May mga sensors lang sya na kailangan mong kapa-kapain. Magugulat ka na lang, biglang sisirit ang tubig sa shower. Kakaloka!”

“Eto ngang si Emilio,” sabi ni Celso, yung tiga-Davao. “Hindi nya alam na yung mga bilog-bilog sa banyo ay mga sabon pala. Saka lang nya nalaman nung nakapaligo na sya at di gumamit ng sabon!” Halakhakan.

Nagkuwento ulit ako. Yun namang dati ko ring kasama, first time nyang tumulog sa five-star hotel. Nangaligkig sa lamig ng aircon. Sabi ko, ba’t di mo gamitin ang comforter? Ang sagot nya: “Ay, pwede bang gamitin? Akala ko kasi, bawal guluhin ang kama.”

Nagtuloy-tuloy ang kuwentuhan namin sa marami pang nakakatawang eksena nang mga Pinoy sa ibang bansa at naisip namin na yung pagkamasayahin natin–yung ating sense of humor (and rumor) ang isa sa ating mga tools for survival. Naaalala ko tuloy yung malakas na lindol noong 1998 dito sa Central Taiwan nang nabulabog ang buo naming dormitoryo at kumaripas kaming lahat sa labas dahil sa takot naming baka gumuho ang aming building.  Ang mga Taiwanese, halos mangiyak-ngiyak sa takot. Ang mga Indian naman naming dormates ay shocked dahil ayon sa kanila, noon lang sila nakaranas ng ganoong kalakas ng lindol.

Si Didit, yung kasama kong Pinay, bagama’t takot din, nakuha pang magpatawa. “Diyos ko, Ronald,” sabi nya. “Hindi man lang ako nakapag lipstick at nakapag-pulbo. Baka mamaya, andyan na ang CNN, makikita ako sa Pilipinas na ganito ang hitsura!” At naghalakhakan kami.

Sabi ko nga sa mga bisita ko. Dito sa Taiwan, mataas daw ang suicide rate. Mababa ang frustration tolerance ng mga Taiwanese. Bumagsak lang sa exam. I-break lang ng girlfriend, magpapakamatay na sila. Samantalang sa atin, pinagbibili na natin ang ating mga kidneys, tinabunan na ng landslide ang ating mga bahay, nakatayo pa rin tayo.

Dahil tayo ay mga beterano na sa mga sakuna at trahedya ng buhay, mas malakas ang ating mga survival instincts. Kahit walang pera at wala nang makain, nakangiti pa rin.

Bagama’t totoong may downside ang ating pagiging matiisin, panalo tayo sa puntong ito.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Taiwan Life. Bookmark the permalink.

3 Responses to Eksena ng mga Pinoy sa ibang Bansa

  1. nymfs says:

    1st day in taipei na-culture shock kami sa electronic garbage bin dyan sa taipe sa Neo 21 building near 101. di namin madecipher ng friend ko paano open ang garbage bin…. tapos pag-aktong itatapon ang tissue papaer, bumukas…. hi-tech!!! only in taipei! wala pa daw sa japan nun….

  2. ngayon ko lang narinig yan, nymfs. di ko alam yang electronic garbage bin na yan.

  3. Nymfa Aranas says:

    talaga? sa Neo 19 building pala yun….nandun din ang Chili’s Texas restaurant…. only a few foot bridges to taipei 101.

    pero eto ang isa sa “engot” moments…. sa dalawang buwan na nakatira kami sa condo sa neihu, tinamad ako magkape kasi we thought sira ang airpot. kasi we tried pressing yung bilog sa ibabaw ng takip, walang lumalabas na tubig…. hassle, nagsasandok pa kami ng tubig kahit may bisita…. only to find out nung last month na namin sa taipei while i was cleaning the airpot, i accidentally pressed one of two the soft touch buttons–bigla lumabas ang tubig! nakakahiya ilang buwan nagtiis… all the while hindi pala sira ang airpot. soft touch lang🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s