Unang Uha

Mahilig akong magbasa at magsulat. Yan ang dalawang bagay na gustong gusto kong gawin bukod sa kumain at matulog. Kaya nga marami ang nagtatanong sa akin kung bakit  hindi ako nag-b-blog.  Sa totoo lang, ilang beses na akong nag-attempt na mag-blog. But for one reason or another, di ko sya na su–sustain. Either nagiging busy ako, tinatamad  o wala lang talagang makuwento.

Sa pagkakataong ito, sisimulan ko ulit mag-blog.  Nararamdaman ko kasi, marami akong pwedeng makuwento. Simula nung March 15, 2011, nagbago  ang takbo ng aking buhay dahil after nine years, nagbalik ulit ako sa Taiwan. Oo, isa na ako sa 90,000 Pilipino na nagtatrabaho sa Taiwan. Una akong nagpunta sa bansang ito noong 1998. Kinuha akong special assistant in communications ng Asian Vegetable Research and Development Center. Nang matapos na ang kontrata ko, umuwi na ako sa Pinas at sabi ko nga sa kaibigan ko, tapos na ang Taiwan na kabanata ng buhay ko.

Malay ko ba naman na nine years later, babalik ulit ako rito (ang kuwento ng pagbabalik ko rito ay isa ring nakakatuwang salaysay na kailangan ko ring i-blog). Surprisingly, sa aking pagbabalik sa Taiwan, naging iba ang pananaw ko sa bansang ito. Kung dati ay makitid ang pang-unawa ko sa kultura ng mga Taiwanese, mas malawak na ito ngayon. Mas gumanda ang tingin ko sa lungsod ng Taipei. Mas naging interesado akong halughugin ang mga sulok nito at pag-aralan ang buhay ng mga instik. Gusto kong gumala sa maliit na isla ng Taiwan dahil ang pakiramdam ko, napakarami kong maikukwento tungkol sa bansang ito–mula sa mga tanawin, pagkain, kaugalian, at marami pang iba, pipilitin kong ibahagi ang aking mga obserbasyon at saloobin bilang isang Pinoy na naninirahan sa ibang bansa.

Ito ang aking unang blog. Kumbaga sa nanganak, nai-ire ko na ang aking panganay at narinig ko na ang kanyang unang uha. Sana’y manganak ito ng maraming beses.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Hobbies and tagged . Bookmark the permalink.

2 Responses to Unang Uha

  1. mvc says:

    wow! congrats kaibigan.. masaya ako at ngayo’y natunghayan ko na ang matagal na naming hinihintay mula sa iyo–ang magkaroon ng iyong sariling blog. Binabati kita! Ngayon pa lamang ay nanabik na ako.. Hihintayin ko ang iyong mga kwento… salamat sa internet kasi ngayon kahit malayo, pwede nating balikan ang ating mga paumagang kapihan sabay sabing, “Tara na magkwentuhan tayo!” CONGRATULATIONS my friend! More power PinoyTaipeiboy!

  2. Jennyfer C Beredo says:

    Masaya ako sa pagbasa nito “Unang Uha”dahil alam kong marami pang naghihintay na mga artikulo na mababasa at mag-iiwan na naman ng saya at alaala sa sinumang makakabasa nito.Congrats , kaibigan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s