Miss ko na Kayo

Kapag naninirahan ka nang matagal sa ibang bansa, gaano mang kaganda o karangya ng iyong lifestyle, may mga bagay ka pa ring ma-mi-miss sa Pilipinas. Natural, doon ka lumaki. Doon nahubog ang iyong  isip, puso, kaluluwa at pagkatao. Sabi nga ng isang propesor ko sa college: “You can never hide your class origin.” Anim na buwan pa lang ako rito sa Taipei pero may mga pagkakataon na nagigising ako sa madaling araw at hinahanap-hanap ko ang mga sumusunod:

  • Ang lasa ng duhat na nilagyan ng asin at kinalog sa magkapatong na plato. Na-a-associate ko talaga ang lasa ng duhat sa aking childhood memories.
  • Ang lasa ng matamis na santol, siniguelas at aratiles.
  • Ang asim ng kamias (o kalamias, kung tawagin sa amin sa Batangas)
  • Ang pakiramdam ng nakahiga sa papag o sa elevated bamboo slats ng isang bahay kubo sa gitna ng isang malawak na bukirin.
  • Ang sinaing na tulingan na niluto sa kahoy at palayok
  • Ang tuyo na sinawsaw sa sukang may bawang at sili at isinusubo kasama ng mainit na kanin kapag malakas ang ulan
  • Ang tamis ng turon na may saging at langka
  • Ang pagsakay sa jeep at tricycle
  • Ang panonood ng pelikulang Pinoy.
  • Ang mga tagalog commercials sa radyo, TV at dyaryo
  • Ang bulungan, tsikahan at tsismisan sa mga opisina
  • Ang inumang Pinoy–wala na yatang sasaya pa rito.
  • Ang pagbirit sa mga videoke bars

Nung isang araw, nakasakay ako sa train at bigla na lang tumambad sa aking isipan. Kailan ako huling humalakhak? Yung honest to goodness na malakas at malutong na halakhak. Hinalugad ko talaga ang aking memory bin. And then it dawned on me: sa videoke bar sa Pinas nang tinatawanan ng isa naming barkada ang isang kaibigang sintunadong kumanta. Umutot pa siya ng pagkalakas lakas kaya marami sa amin ay gumugulong na sa sahig sa pagbuhalit ng tawa.

Yung ganoong klase ng bonding. Yun ang talagang na-mi-miss ko.

About pinoytaipeiboy

Pilipinong nagtatrabaho sa Taipei. Mahilig magbasa, magsulat, kumain, manood ng sine, gumala, maglakbay at matulog. Interesado sa milyon-milyong bagay.
This entry was posted in Memories of Home and tagged . Bookmark the permalink.

2 Responses to Miss ko na Kayo

  1. gems says:

    hay sir iba lang tlga ang pinas! and nice to see ur blogs🙂 tlgang tagalog, very you🙂

  2. Jennyfer C Beredo says:

    Hay Ronald, talagang wala akong masabi, totoong-totoo yan, mga tsismis at tsikahan sa opisina, mga pagkain na talagang nakakabundat ng tiyan, gaya ng inihaw na tuyo na amoy hanggang sa kabilang kanto, isawsaw sa maasim na suka o ginayat na kamatis. heaven talaga. Salamat uli Kaibigan, muli mo naman pinasaya ang araw ko lalo pa’t okey na muli ang PC ko. Muli tayong magkamustuhan sa susunod.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s