Empty Nest Syndrome

Single parent ang kaibigan kong si Portia (di nya tunay na pangalan) Yung tatlo niyang anak, puro may asawa na. Dalawa ang nasa abroad at yung bunso, tinangay na ng asawa sa probinsya. Alam naman ni Portia na darating ang araw na mag-iisa siya sa bahay. Sa katunayan, dahil sa kababago lang niyang nag-retire, matagal na niya itong ni-look forward. Yung stage na magkakaroon na siya ng time for herself. Magbabasa-basa na lang, makikipagkita sa mag kaibigan, mag-iikot-ikot sa mall.

“Masaya sa una,” sabi niya sa akin nung minsan kaming mag-usap sa Facetime. “Pero after sometime, nakakalungkot din pala. Nakaka-bore. May mga araw na ang feeling ko, wala na akong saysay.

” Nag-e-empty nest syndrome ka na, sabi ko sa kanya.

“Ano yun?” tanong ni Portia.

Yung feeling of grief and loneliness pag naiwan ka na ng mga anak mo. Hindi raw ito clinical condition, pero pwedeng pumunta dun kapag lumala at di mo na-address. Siguro kaya tinawag itong empty nest kasi nga wala ng tao sa bahay o sa pugad.

“Nakakatakot ka naman,” sabi ni Portia. “Anong gagawin ko?” Nag crack ako ng joke. Aba, bakit ako ang tinatanong mo? Wala naman akong anak na umalis. Sa pakikipag-usap ko kay Portia, na-realize ko na hindi na siya yung dati kong kaibigan na masayahin. Sa mga kuwento niya, halata ko na parang may dinadala siyang mabigat.

Marami akong binanggit na suggestion pero parang sinasalag niya lahat ng idea ko. Mag-travel ka kaya, sabi ko. Tutal mapera ka naman, gamitin mo. O kaya puntahan mo ako rito. Sagot ni Portia: “Sawa na akong mag biyahe. Nakakapagod. Tsaka ayokong mag-travel nang mag-isa.” Sinagest ko rin na mag-charity work siya. Mag-start ng hobby. Mag negosyo. Mag-bake, magluto, mag-yoga, mag gardening.

Lahat ayaw niya. Dumating ito sa point na medyo naiirita na ako sa nagiging takbo ng usapan namin.

Sorry, ha. Pero wala na yata akong maisip na suggestions. Kung di mo matutulungan ang sarili mo, siguro kailangang mag-seek ka na ng professional help. Hindi kasi pwedeng wala kang options dahil buhay ka pa. Hindi ka naman baldado. At lalong hindi ka naman mahirap.

Nangako siyang mag-iisip at maghahanp ng maaaring pagkaabalahan pero tuwing mag-cha-chat kami, very pronounced ng kanyang low mood at pagkawalang gana sa maraming bagay.

Kaso, ayaw naman niyang mag-elaborate pag nag-uusap kami. Minsan ay dinadaan ko nga siya sa biro dahil malimitko siyang mapatawa noon.

Buti na lang di ka naging piloto. Kundi baka pabagsakin mo rin sa bundok ang mga pasahero mo, biro ko.

Pero wa-epek din ito sa kanya.

Sana mabasa niya ito, para malaman niyang nag wo-worry na ako. Sana maisip niya na hindi siya nag-iisa sa pinagdadaanan niya kasi maraming mga magulang ang nakakaranas ng nakanyang nararamdaman. At sana, mabasa rin ito ng kahit isa man lang sa kanyang mga anak. Para naman madalaw nila si Portia, o matawagan man lang.

Wag kang susuko, Portia. Hang in there. Andito lang kami. At lagi mong iisipin, ang tao kahit na nakatira sa pugad na walang laman, pwede pa ring maging masaya.

Minsan nga, mas masaya pa.nest

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng Puna

Si Jimmy at si Nicole

Nakakagulat ang reaksyon ng mga tao sa recent guesting ni Nicole Kidman sa “The Tonight Show with Jimmy Fallon.” Kamakailan lang ito na-air sa Amerika pero naging viral agad ang clip ng interview ng sikat na talk show host sa popular na Australian actress. Habang sinusulat ko ito, may 18,449,650 hits na ang nasabing nine-minute interview sa YouTube. Pinanood ko ang interview last week at tawang-tawang naaliw ako sa mga rebelasyon ni Kidman na tuwang-tuwang nagkuwento tungkol sa isang pangyayari ilang taon na ang nakakaraan, nang siya’y single pa. Mayroon daw syang “thing” for Jimmy. In fact, gusto nya ang talk show host kaya nang i-set up siya ng kanilang common friend na si Rick on a date sa bahay mismo ni Fallon, pumayag naman ang actress. Yun nga lang, clueless si Jimmy dahil ang akala nya ay isang meeting ito for a possible movie assignment kaya walang nangyari. Hindi maipinta ang pagkagulat ni Jimmy nang ikuwento ito ni Nicole. Sa katunayan, literally siyang nahulog sa kinauupuan niyang swivel chair at nagtakip ng mukha sa kahihiyaan. Samantala, ang buong studio audience naman ay nagulantang, natawa at kinilig sa kuwentong dapat sana ay sila, pero hindi naganap. Ngayong pareho na silang may mga asawa’t anak,  isa na naman itong istorya ng the one that got away, the love that never took shape, the plane that never landed, the dance that never made it to the first step.

Obviously sa mga comments ng mga net citizens na galing sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, marami ang naka-relate sa kuwentong ito. May mga nagbigay pa nga ng tips. Sa susunod daw, dapat ay mas vocal na ang mga babae. Kung may gusto sila, dapat ay hindi na patumpik-tumpik. Sabihin na agad ng harapan ang nasa loob at wag ng pakawalan pa ang lalaking kursunada. May nagsabi naman na ang dapat daw sisihin ay ang kaibigan nilang si Rick. Siya ang dapat na i-guest sa susunod na episode ng show ni Jimmy Fallon para bigyang linaw ang isyu. Syempre, may mga nagsabi rin na may angkin daw katangahan si Jimmy. Palay na ang lumapit sa manok. Pinuntahan na nga naman sya ng babae sa bahay, wala siyang ginawa kundi magpa-andar ng video game, maghain ng saltine crackers at old Chinese food at halos di raw nagsasalita.

May mga nag-worry din sa mga magiging reaction ng kanilang mga asawa. May nagsabing grabeng ka-flirt si Jimmy at sana daw ay hindi na yun na bring up ni Nicole kasi thing of the past na daw yun. May mga nag-away-away sa net at ako bilang mambabasa ay na amuse, nailing at natawa sa palitan ng iba’t-ibang opinyon hinggil sa isang maganda sanang pagkakataon pero nahipan nga ng malakas na hangin.

Tapos bigla kong naisip: ilan sa atin ang mga Jimmy Fallon at Nicole Kidman? Ilan sa ating mga kakilala ang may mga similar stories ng mga sila na sana pero naudlot? Kakatuwa lang balik-balikan at umiling, kasi hanggang doon na nga lang ang lahat. Sorry na lang kapag umalis na ang tumigil na sasakyan dahil minsan, hinding hindi na ito magbabalik pa.nicole-kidman-1-1024

Nai-post sa Entertainment, Personalities, Relationships | Mag-iwan ng Puna

Solong Buhay

May isang insidente na pilit na pumapasok sa malikot kong utak habang binabasa ko ang dalawang bestseller books ni Noreen Capili, a.k.a. Noringai. Ito ang karugtong ng kuwento ko tungkol kay Aling Meding, ang manghuhula sa Quiapo na nakilala ko noong ako ay nasa Pinas pa at sinulat ko dito sa aking blog noong November 5, 2011.

Ang totoo nun, may in-omit akong detalye tungkol sa pagpapahula ko kay Aling Meding. Ngayon ko lang ikukuwento.

Bago ako nagpaalam sa mabait na manghuhula, tinanong ko siya: Makakapag-asawa pa ho ba ako?

Tumingin si Aling Meding sa mga tarot cards na aking napili. Parang wala siyang mabasa. Kinuha niya ulit ang aking kanang kamay, sabay tingin sa akin. Tapos ay saka siya nagsalita.

“Ayaw mo naman kasi. Hindi ka talaga makakapag-asawa kung ayaw mo.”

Natawa ako at slightly napahiya dahil para akong natangahan sa aking sarili. Bakit ko ba naman itinanong pa yun?

Pumasok ito sa aking isip habang binabasa ko ang “Parang Kayo Pero Hindi” at ang “Buti Pa ang Roma May Bagong Papa,” ang dalawang certified hits na libro ni Noringai, ang TV writer at blogger na nagsulat tungkol sa buhay ng mga single, or gaya nga ng description sa blurb ng kanyang libro, yung mga “….Alone. Soloista. Lonely. Tigang. Sawi. NBSB. Searching. Waiting. Hoping.” I belong to the category of those alone and soloista pero parang hindi ko ma-categorize ang sarili ko na lonely, tigang at sawi. True, I may have had my share of lonely days, tigang moments and sawi episodes, pero mabilis ko silang naitatapon sa bintana at nawawalis sa aking sistema. Hindi ko rin masasabing NBSB (No Boyfriend or Girfriend Since birth) ako dahil bumilang din naman ang aking mga naka relasyon. I have also stopped searching and waiting because I am contended with being alone.

Nang mapagdesisyuynan ko  kasing  maging solo habang buhay, pinanindigan ko na rin na come what may, against all odds, come hell or high water, I will try my best to be happy. Na hindi ko i-e-equate ang pagkakaroon ng katambal sa buhay sa pagiging masaya, at hindi ko kailangang sabihin ang linyang binitawan ni Renee Zellweger sa Jerry Maguire na “You complete me,” dahil by my lonesome, I am already complete.

Yung last category na “hoping,” kasama ako dyan. Dahil tama si Noreen. Sa page 89 ng “Parang Kayo Pero Hindi” na pinamagatan niyang “Ano’ng Meron ang Taong Happy?” Sinabi niyang ang sagot daw ay hope, o pag-asa. In her own words: “Bigyan mo ng hope ang isang tao, at enough na yun para sumaya siya. Kahit panandalian, kahit konti lang.”

May mga areas about single life na hindi ako gaanong naka relate, the way Noringai writes about it in her two books pero overall, madaling masakyan ang kanyang mga nakaka-aliw na kuwento. Ito ay dahil sa wala siyang pretensions. Wala siyang ilusyong maging profound at i-intellectualize ang buhay ng mga taong nag-iisa. Nilalahad lang niya ang karanasan ng mga taong gaya niya na bagama’t mag-isa ay umaasa, nangangarap at minsa’y natatawa sa kanyang sarili.IMAG0347

Nai-post sa Books, Reflections | 2 mga puna

Hayblad

Nung isang linggo, sabay na nanlaki ang mata namin ng aking cardiologist nung pareho naming makita ang resulta ng aking blood pressure test.

Parang proud na proud na wumawagayway ang figure sa malaking sphygmomanometer ng Taipei medical university hospital: umaatikabong 164 over 93. Kulang na lang ay may sound effects ng drum roll, bago on queue na nag-dialogue ang aking duktor.

“What happened to you?” tanong ni Dr. Huang.

Nagkibit-balikat ako, kunyari walang alam. Pero ang totoo,  binalot lang ako ng hiya. Ganito talaga ang gusto kong sabihin. : “Doc, napakain ako ng Lapid’s chicharon kahapon. Nag-almusal ako ng Spam. Nagpuyat akong mag-transcribe ng isang lecture series para sa aming opisina at natulog ako ng may araw na. Stressed ako at nag-stress eating pa. I’m guilty and willing to be crucified.”

Nailing lang si doc. “Most of my patients today have their blood pressure shoot up to high levels. It must be the changing weather. Have you stopped exercising?”

“No, doc,” sabay ang aking iling. I still go to the gym at least thrice a week.

“Good, make it four or if possible, everyday. You have to sweat daily.”

Matapos niya akong maresetahan, nagbisikelta na ako pauwi habang umuusal ng aking mga bagong resolve para mapababa ulit ang aking blood pressure.

Ayon sa aking duktor, matagal na akong hypertensive. Nasa genes ko raw ang sakit na ito pero ang klase ng aking hypertension ay iyong tipo na wala akong nararamdamang sintomas. Ito yung hypertension na traidor, dahil wala man lang itong pasabi. Kung di ko monitored ang aking presyon, marahil matutumba na lang ako.

Inassure naman ako ni Dr. Huang na ang hypertension ay manageable. Balance is the key, sabi niya. Ito raw yung tipo ng sakit na lagi kang maninimbang. Hindi ka pwedeng kumain ng maalat, pero di rin pwede ang walang asin. Ganundin sa asukal. Bawal ang matamis pero di rin pwede ang sobrang tamis. Di pwede ang laging puyat, pero di rin pwede ang tulog ng tulog. Dapat daw mag-exercise pero huwag din masyadong magpagod. Mahalaga din na hindi ma-stress. Pwede raw mabuwisit pero wag didibdibin. Pwedeng magalit pero siguraduhing di yung tipo ng galit na puputukan ka ng ugat.

Hindi ko alam kung na ma-manage ko ng mabuti ang aking blood pressure. Aminado ako na paminsan-minsan, pumipitik-pitik pa rin ang aking mga pagpatol sa tukso–lalo na ang pagkain ng mga bawal. Minsan nga, ang lingguhan kong self-declared cheat day ay nagiging super feast day na pinagsisisihan ko rin matapos kong magpakasasa.

Pero ganun na nga. Kumbaga sa cyclist, tumumba man ang bisekleta, gumewang man ang daan. Bangon ulit, sakay ulit, hinga ng malalim at tuloy-tuloy lang hanggang makarating sa pupuntahan.BP

Nai-post sa Uncategorized | 2 mga puna

Lemon Garlic Tinapa

Hindi ako gaanong mahilig sa tinapa. Malimit pag isinisilbi ito noon sa bahay tuwing almusal ay kumukurot lang ako ng konti, isinusubo kasama ang mainit na kanin at pagkatapos ay nag m-move on na ako sa iba pang potahe. Pero nang matimkan ko kamakailan  ang lemon garlic tinapa na pasalubong sa akin ng barkada naming si Robin nung bumisita siya  rito sa Taipei nung nakaraang linggo, nag-iba na ang pagtingin ko sa tinapa. No longer is it the lowly smoked fish na iniisnub isnub ko noon dahil nakakatihan ang dila ko sa kanya. Ngayon, bumalimbing na ako dahil kumpara sa paborito ko noong bottled tuyo, nagka-appeal na sa akin itong lemon garlic tinapa. Hindi siya gaanong maalat. Lasang lasa ang nag-aagawang asim ng lemon, katamatamang alat, at ang malakas na flavor ng piniritong bawang na lumalangoy sa olive oil. Wala rin itong tinik at kaliskis kaya swabeng swabe pag sinama sa kanin, tinapay, biscuit, pita bread, pasta, etc.

Hindi ako madaling mag shift ng allegiance sa pagkain dahil kahit itanong nyo pa sa aking mga kaibigan, ever loyal ako sa bottled tuyo at sardinas. Although I must admit, hindi ko na ine-encourage ang mga bumibisita sa aking kaibigan na magdala nito dahil binabawasan ko nga ang aking salt intake. Ewan ko lang kung bakit nung itanong sa akin ni Abby, ang girlfriend ni Robin kung ano raw ang gusto ko from Manila, bigla akong napabulalas: “Nag-c-crave kasi ako sa bottled tuyo–lalo na yung galing sa “The Blue Kitchen!”

Flashback: Fan na ako ng mga produkto ng “The Blue Kitchen” nung araw. Kilala na ako nung nagtitinda sa 5th floor ng Shangri-la Mall nung nagtatrabaho pa ako sa Ortigas. Wala pa noong lemon garlic oil. Bottled tuyo pa lang. Pero noon pa man, nag i-stock up na ako ng mga bottled tuyo dahil pag tag-bagyo at tag-ulan pinakamasarap itong kainin kasama ang itlog, kamatis, hilaw na mangga, mainit na kanin, pandesal, kape o tsokolate.

Mabuti na lang at tig-isang bote lang ang pinasalubong sa akin, dahil kung hindi, bobondat na naman ako at maya’t maya’y magsasaing ng bigas. Now that my craving has been satisfied, sa food memory ng aking utak, minarkahan ko na ang lemon garlic tinapa ng isang malaking tsek, sabay sabit pa ng malaking star.

Kaya sa  mga kaibigan kong Pinoy na nasa abroad, try nyong magbilin ng lemon garlic tinapa sa mga kaibigan at kamag-anak na bibisita sa inyo. Siguraduhing ito ay yung galing sa “The Blue Kitchen.” At siguraduhin nyo na maaga kayong magbilin dahil tumatabo raw sa takilya ang produktong ito. Ubusan daw lagi. Pero worth it naman. Pustahan tayo and mark my word–mapapamura kayo talaga sa sarap!

Thank you Google images for the photo.

tbk 8

Nai-post sa Food, Taiwan Life | 2 mga puna

Lucy

Umaga namin pinanood ng kaibigan kong Taiwanese ang “Lucy,” ang latest na pelikula ni Scarlett Johansson, para maiwasan namin ang mahabang pila sa takilya. Isang linggo bago pa lang  ito ipalabas sa Taiwan, expected na ng mga film distributors ng pelikula na tatabo ito sa takilya dahil kalahati ng kanyang 89-minute running time ay shinoot dito sa Taipei. Tama naman ang prediction dahil kahit na umagang-umaga, punong -puno ang loob ng Vieshow Cinema sa Xinyi district at di ininda ng mga Taiwanese ang gumising ng maaga at makipagsiksikan para panoorin ang pelikulang ang tagal na nila hinintay.

Hindi nga naman nakaka-disappoint ang exposure ng siyudad sa pelikula. Ilang beses na pinakita ang Taipei 101, ang mga xiaolongbao ng Din Tai Fong, ang mga daloy ng sasakyan sa mga lansangan ng lungsod, ang MRT, ang night market, ang Regent hotel at maging ang bandila ng Taiwan ay talagang may prominent tilt-up shot pa na para bang sinadya para tumaas ang kilay ng mga tiga-Mainland China.

“The movie has helped boost Taiwan’s popularity amid the country’s efforts to bring itself to the world stage,” sabi ng isang manunulat ng Wall Street Journal. Totoo nga naman. Simula raw 2008, 267 na foreign films na ang na-shoot dito sa Taiwan pero ang “Lucy” na dinerek ng French film director na si Luc Besson ang pinakamahabang exposure na nakuha ng Taipei city.

Engaging ang pelikula. Sa simula pa lang, hooked na ako as a viewer nang ipakita kung paano naging accidental drug mule ang foreign student na si Lucy. Gripping at interesting din ang naging premise at daloy ng istorya. Biktima ng isang drug syndicate, nilagyan si Lucy ng ilang supot ng drugs sa kanyang tiyan na pumutok at nag-leak sa kanyang katawan ng siya’y bugbugin at sipain ng kanyang mga tormentors. Pero imbes na malason at matigok, may na-release na kung anong chemical na nagpalakas at nagpatalino kay Lucy. Yung 10% ng kanyang brain capacity ay unti-unting tumaas, at ang dating kimi at takot na si Lucy ay naging isang angel of vengeance.

Hanggang sa puntong yun, tangay-tangay pa ako sa magandang storytelling ni Besson, lalo na nga’t may mga dagdag pa siyang visual flourishes para magkaroon ng documentary at scientific feel ang pelikula. Pero nang umabot na sa 60% at tumaas pa ng tumaas ang paggamit ni Lucy ng kanyang brain capacity, naging over the top na ang daloy ng kwento. Kumbaga sa MRT sa EDSA, tumalon ito sa riles at lumagpas sa Pasay rotonda, at ako bilang manonood ay nalito, nawala, nawindang at nagtanong kung bakit nagkaganun. Sabi nga ng isang kaibigan, siguro hindi rin nila alam kung paano tatapusin ang pelikula.

Sa kabila nito, hindi pa rin ako nagsisisi na pinanood ko ang “Lucy.” Noon hanggang ngayon, fan ako ni Scarlett Johansson and seeing her in a movie shot in Taipei gives me the thrill. Naaalala ko pa nga late last year nung binanggit sa akin ni George, ang aking gym trainer, na nag s-shoot daw si Johansson sa Taipei, di ako makapaniwala. Umuwi ako sa bahay nung araw na yun na bumubulong: Shyet,  andito si Scarlett Johansson! We’re breathing the same air!

download

 

Nai-post sa Entertainment, Movies | 6 mga puna

Usapang Abs

May isang libong beses ko na yatang narinig ito: “Hindi ka naman mataba, e. Malaki lang ang tiyan mo! Tanggalin mo lang yan, okay ka na.”

Para namang relo, bracelet, sapatos at medyas lang ang tiyan ko na madaling tanggalin. Kung ganun nga lang ba, e di matagal ko na sanang na-dispatsa ang mga umaaligid na taba sa aking tiyan. E hindi nga ganun. Gusto kong i-explain sa mga nag co-comment na dekada na ang binilang nitong aking struggle to get rid of my unwanted and stubborn belly fat. Narinig ko na yata lahat ng panlalait, panlilibak at pangungutya tungkol sa aking malaking tiyan. So much so that I have learned the art of joking about it in order to make it appear that my humor is of the self-deprecating kind.

Oo na, I look like an avocado. Pag naka side view, a small letter b. Pag naka-front and back view, a Penguin replica. Hindi yung hayop kundi yung kaaway ni Batman. Bago pa man na-depress si Sharon Cuneta at nag-apologize sa kanyang mga fans dahil sa kanyang depressing battle of the bulge, matagal ko na ring ikinalungkot ang aking mga frustrated attempts to flatten my belly. Paulit-ulit lang ang cycle. Papayat ako pero tataba ulit.

Siyempre, partly, I blame it on my genes. Nakadikit na yata yun sa aking DNA strands, kaya minsan, inaamin ko na gusto kong sakalin yung mga taong kahit kain na ng kain e hindi man lang mabawasan ang timbang kahit na one pound man lang.

Totoong pwede ko naman talagang hayaan na lang na may kalakihan ang aking tiyan. Pero bakit nag-a-attempt pa rin ako na i-flatten ito? Hindi naman ito for vanity reasons. Hindi ko rin kailangang maging payat sa aking propesyon. Gusto ko lang maging healthy, dahil sabi nga ni David Zinczenko, ang author ng “The Abs Diet Book,” ang belly fat daw, na tinatawag ding visceral fat ang pinaka mapanganib na taba sa ating katawan. “…it is located behind your abdominal wall and surrounds your internal organs. It carries an express lane pass to your heart and other important organs. It is the fat that can kill you.”

Sa tindi ng aking mga intense exercises linggo-linggo, masasabi kong dapat sana ay pumayat na nga ako. Pero dahil sa mahilig talaga akong kumain, parang nakiki-pag tug-of-war ang aking mga taba. Matatunaw ba sila o mananatiling nakasiksik sa aking mga bilibil? Minsan natutunaw naman sila. Nararamdaman ko yun sa pantalon ko, pero after a few days at nagkaroon ulit ako ng matitinding food cravings, ayan na naman silang magsisipagdatingan.

Two days ago, dahil sa napagkuwentuhan ng aking mga kaibigang Pinoy ang buy-one-take-one promo ng “Ben and Jerry’s” ice cream sa Wellcome grocery, niyaya ko ang aking kaibigang si Abby na sugurin ang mga naglipanang Wellcome grocery sa Taipei. Kahit mag-hahatinggabi na, biniskleta namin at hinanap ang mga branches nasabing grocery para lang makabili ng “Ben and Jerry’s” ice cream. Wala kaming nakita. Natulog akong frustrated.

The following day, di ako talaga nag-give up. Kahit mag-isa lang, iniisa-isa ko ulit ang mga grocery stores sa lungsod. Hanggang nakita ko ang aking hinahanap na ice cream

Kung ganun lang sana akong kapursige sa pagpapapayat, marahil nagwagi na rin ako.

In the mean time, fight pa rin. I will never say die.belly_fat

 

 

Nai-post sa Health, Humor | 1 Puna