Skip to content

Si Señora Angelica Santibañez

December 10, 2012

IMG_0021Matapang, mataray, mapanlait pero kumakagat, nanununtok at talagang nakakatawa. Kuhang-kuha ni Señora Angelica Santibañez ang kiliti ng mga Pinoy kaya naman araw-araw ay nadaragdagan ng libo-libo ang kanyang mga followers sa Twitter. Una kong narinig ang tungkol kay Señora Angelica sa isang kaibigang nag-e-mail sa akin sa Maynila, pero naging interesado lamang akong sundan ang mga posts niya sa Twitter nang minsang mabanggit ito ng aking mga kaibigang Tsinoy na sina Alexandria at Abby na followers din ni Señora. Over the weekend, malakas na binasa sa amin ni Alex ang kanyang mga maaanghang na tweets at totoo nga, di mapigil ang aming halakhakan.

Gaya ni Doña Buding, ang fictional character na nilikha ng writer/director na si Joey Reyes noong 1990s na buong husay na ginampanan ni Nanette Inventor sa lingguhang Penhouse Live, si Señora Angelica Santibañez ay ipinanganak at nabigyang buhay sa social networking site na Twitter. At gaya rin ng nobelistang si Bob Ong, nananatiling anonymous ang creator nitong si Señora. Mayroon lamang siyang short description of her character in Twitter. Sabi niya: “Ako si Señora Angelica Santibañez. At ang lahat ng may ayaw sa akin, ipapasunog ko, kasabay ni Marimar. Ang kontrabidang magpapaligaya sa araw niyo.” As of 9:30 kaninang umaga, mayroon na siyang 8,747 tweets at 141,406 followers.

Sa kanyang mga tweets, mababasa agad ang  pino-project na character ni Señora Angelica, lalo na sa kanyang pag-uutos sa kanyang katulong na si Facundo.

Ilang samples:

“Facundo! Mag-shoshopping ako. Tawagin mo si Henry Sy at magpa-tayo ng SM sa Bakuran. Madali ka!”

“Facundo aalis ako ng bansa! kandaduhan mo ang Pilipinas baka nakawin ng China!”

“Facundo! Gusto ko makakita ng nag-aaway na Lobo at Bampira sa harap ko! Ipatawag ang cast ng Twilight! Madali ka!”

“Facundo! Pakikuha ang high heels kong Chanel, maglalaro ako ng tumbang preso.”

“Facundo, may akyat-bahay gang! Bigyan ng hagdan. Pakainin na rin. Madali ka!”

Sa pinaghalo-halong satire, irony, sarcasm, gay humor at pedestrian language, patuloy na pumapatok ang lumikha sa katauhan ni Doña Angelica sa cyberspace. Kapansin-pansing mas marami siyang retweets kapag pinupuna niya ang masang Pinoy in action.

“39ers lang kinain mo sa Jollibee, ininstagram mo pa! PATAY GUTOM!”  (2,905 retweets)

“Bibili sa Starbucks pero limang oras tatambay? MAHIRAP!”

Marami rin siyang patutsada sa kahalagahan ng pisikal na kagandahan:

“Ang iyong Kagandahan ay parang Password. Ikaw lang ang nakaka-alam!”

“Matuto kayong gumalang sa nakakaganda sa inyo”

“Wow legs! Sana naging legs ka na lang.”

“TANONG: Bakit may pinapanganak na pogi at maganda? SAGOT: Para mainggit ka!”

At ang manaka-nakang pasaring niya sa mga celebrities.

“Facundo, gusto ko ng magpakasal. Tawagin si Zoren. Gawin siyang wedding organizer!”

“Facundo, Sarah G. Live na. Putulan ng kuryente ang buong Pilipinas. Madali ka!”

“Facundo! Hindi nakaka-iyak ang MMK! Ipagbalat ako ng sibuyas! Madali ka!”

Hindi kataka-taka kung isang araw, kapag dumami pa ang followers ni Doña Angelica ay mabuhay na lang siya bilang isa sa mga characters sa isang wacky TV show, maging isang one-woman show o lumitaw na lang sa isang comedy or indie film.

Ang magiging hamon lamang para sa manunulat o mga manunulat ng kanyang character ay huwag siyang maging flash in the pan at ma-sustain ang kanyang sense of humor sa pangmatagalang panahon.

Dahil totoo naman. Sa paminsan-minsang nagiging baliw ang daigdig o umo-OA ang pagbilog ng buwan at pagbaba at pagtaas ng laot sa mga karagatan ng Pilipinas, kailangan natin ng isang mataray-taray at matapang-tapang na makakapitan na tulad ni Señora Angelica Santibañez upang mairaos natin ang isang araw nang nakangiti o kung hindi man ay humahalakhak.

From → Humor, Trends

One Comment
  1. Kris Tocino permalink

    Her Facebook account: http://www.facebook.com/KontrabidangSosyal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 138 other followers

%d bloggers like this: