Skip to content

Nakakahiya Part II

December 11, 2011

Eto naman ang nakakahiyang karanasan ng dalawa kong kaibigan. Itatago ko sila sa mga pangalang Pedro at Juan.

Si Pedro ay isang negosyante. Trabaho nya araw-araw ang makipag-meet sa mga kliyente at i-offer ang kanilang mga produkto at serbisyo. Isang araw, naswertehan ni Pedro na mapagbentahan ang isa sa kanyang pinakamahirap suyuin na client. Think Eddie Garcia in a kontrabida role. Ganun ang dating ng kliyente ni Pedro. So, nang masara nya ang business deal, naglulundag itong si Pedro sa tuwa. Kasi nga naman, matagal nyang niligawan ang kliyenteng ito. Matagal nyang kinulit-kulit at pinagtiyagaan ang kanyang pagkamasungit. Pagkatapos nyang lumundag sa tuwa, kinuha nya ang kanyang cellphone at tinext ang kanyang asawa. “Honey, I got the deal. I’m so happy!”

Wala pang one minute ay nag-reply ang misis ni Pedro: “Really? Congratulations! I’m so proud of you, honey! Time to celebrate!”

Syempre, nang matanggap ni Pedro ang reply ng kanyang misis, nag-text back ulit sya. Pilyo ang kanyang message: “Basta sex tayo mamaya, ha?”

Pinindot nya ang send button. Pero ang hindi nya maintindihan, nang tingnan nya ang sent items ng kanyang cellphone, sa kliyente nya pala naipadala ang huling message niya  imbes na sa misis nya!

Dali-dali agad syang nag-send ng message sa kliyente nya para ma-damage control ang sitwasyon: “Sir, I’m very sorry. Missent po yung message ko. Para po yan sa misis ko.”

Nag-send back din daw yung kliyente. “No problem.” Tapos ay may smiley face at wink icons pa raw na kasama.

Ang siste, every time na nagkikita si Pedro at ang kanyang kliyente, lagi raw mayroong nakaka-lokong ngiti ang kanyang kliyente. At sa tuwi-tuwina, nababalot si Pedro ng matinding pagkahiya.

Ang kwento naman ni Juan ay nangyari sa jeep. Sikisikan daw ang jeep na biyaheng Quiapo papuntang Pasay. Napag-gitnaan si Juan ng isang dalagitang payat at isang matabang matandang lalaki. Umaandar na ang jeep sa kahabaan ng Taft Avenue. Dahil sa nakakain si Juan ng camote cue na binili niya sa Quiapo, naipon ang masamang hangin sa kanyang bituka na ngayon ay nag-aalpas na lumabas. Pinigil niya ang pag-utot, pero hindi siya nagtagumpay. Ang nangyari lang, walang sound na lumabas, pero di ba pag ganun, mas pamatay ang amoy nun? So ganun na nga ang nangyari. Sa loob ng ilang segundo, umalingasaw ang nakakasulukasok na amoy ng utot ni Juan at isa-isa ng nagtakipan ng ilong ang mga pasahero. May mangilan-ngilang pasahero na hindi napigilang i-verbalize ang kanilang pagka-bwisit.

“Ano ba yan, ang baho,” komentaryo ng isang bagets na lalaki.

“Yuck…sino yan?,” tanong naman ng isang babae.

Unti-unting naramdaman ni Juan na tumitigin sa kanyang direksyon ang mga pasahero dahil obvious na sa kinauupuan niya nanggagaling ang matinding source ng mabahong amoy.

Para makaligtas si Juan sa kahihiyaan, bigla niyang tiningnan ng masama ang katabi nyang dalagita. Parang nakasulat sa mukha ni Juan ang mensaheng :”Aminin mo, ikaw ang umutot, ano?”

Automatic daw na napaiyak ang dalagita. “Hindi po ako! Mamatay na po! Hindi po ako!”

Lagi lagi na, ang dalawang kwentong ito ay pulutan sa maraming inuman ng aking mga kaibigan. At gaya ng inaasahan, sumasabog din lagi ang malulutong na halakhakan tuwing ikinukwento nina Pedro at Juan ang kanilang mga di malilimutang kahihiyaan. Talagang asahan nyo ang mga ganitong kuwento sa mga masayahing Pinoy.

3 Comments
  1. May symphony of utot kaming tatlo (my boys and I) tuwing gabi at tuwing pagkagising … dahil sa nalipasan na ng gutom at minsan kulang ang kinain sa gabi … at minsan rin naman dahil malamig talaga kapag winter (pero ako talaga ever since kabagin pero part and parcel ko na yun ever since kaya hindi ko na iniintindi) … wala akong paki … it means my (our) digestive system is doing a good job. ;)

  2. hahaha. at least you don’t do it in public :-)

  3. Jennyfer C Beredo permalink

    Ako rin, laging napapautot lalo na’t at nakakain ng keso. Sa school namin libre ang cheese as snacks kasi meryenda ng mga bata. Paminsan-minsan natutukso ako na kumuha sa fridge kasi at isubo ko ito nang palihim at nguyain na hindi halata. Noon ko natuklasan na dahilan para ako ay mapautot. Diyos ko nakakhiya kasi lagi na lang metunog, malakas pa kaya mula noon paminsan-minsan saka sa bahay na lang ako nakain ng keso. Thanks again Ronald sa masaya mong kuento.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 144 other followers

%d bloggers like this: